Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caldwell-Pope kakapit sa Lakers

0 38

Inaasahang mananatili ang bangis ng Los Angeles Lakers kahit may nawala sa lineup dahil muling bibigyan ng kontrata si starting five Kentavious Caldwell-Pope.

Balitang hinatagan ng Lakers ng three-year, $40M deal ang 25-year-old, 6-foot-5 shooting guard, katuparan sa pangarap niyang makakuha ng mahabang kontrata.

Sa katunayan 2017 pa nasa LAL si Caldwell-Pope, pero puro one-year-deal lang ang ibinibigay sa kanya sa halagang $8.4M.

Isa siya sa susi ng pagkakasikwat ng Lakers ng titulo ng 2019-20 NBA season, kumana ng mga importanteng puntos sa endgames.

Inamin ni Caldwell-Pope na marami ang interesado sa kanyang serbisyo, pero mas determinado siyang muling sumama sa Lakers sa parating na 76th season sa December 22.

Kapag nagkataon walang mababago sa lakas ng Lakers dahil bukod kay basketball superstars LeBron James, inaasahang babalik din si Anthony at Caldwell-Pope, samahan ang mga bagong hugot na sina Dennis Schroder at Montrezl Harrell. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.