Abante Tonite Interactive

Calida magsasampa ng petisyon kontra ABS-CBN renewal

462

Malinaw na indikasyon na ang pagsasampa ng quo warranto case ng Office of the Solicitor General na tutol talaga ang Malacañang sa franchise renewal ng ABS-CBN, ayon kay Rep. Mike Defensor ng House public accounts pa­nel chairman.

Reaksyon ito ni Defensor, kinatawan ng Anakalusugan Party-list group sa nakatakdang pagsasampa ni Solicitor Gene­ral Jose Calida ng petisyon laban sa Kapamilya network upang tuluyan nang maaalis ito sa kamay ng mga Lopez.

“The OSG by filing a petition to revoke the ABS -CBN franchise is a clear signal that the executive opposes the extension of the franchise of the network,” sabi ni Defensor.

Nakatakdang kuwestiyunin ni Calida sa Supreme Court ang franchise ng mga Lopez sa ABS-CBN na ginawad ng Aquino administration noong 1986 na sa una pa lang umano ay wala nang bisa,

Aniya, senyales ito ng posibleng kahinatnan ng isasagawang hearing ng House Legislative Franchise Committee kaugnay ng franchise renewal application ng ABS-CBN. (JC Cahinhinan)