Abante Tonite Interactive

Calida numero unong kumita sa gabinete

By
3,780

Nanguna si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr. sa may pinakamalaking natanggap na suweldo at allowanc­e noong 2017, habang si Solicitor General Jose Calida naman ang ­numero unong malaki ang suweldo sa hanay ng gabinete ni Pa­ngulong Duterte, ayon Commission on Audit (COA).

Si Espenilla ay kumita ng P14.920M, at sumunod sa kanya si BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na kumita ng P13.5M, ikatlo naman si Development Bank of the Philippine Chief Executive Officer Cecilia Borromeo sa P12.46 milyon.

Sa ipinalabas na Report of Salaries and Allowances ng COA nasa pang-apat na puwesto si Solicitor General Jose Calida na kumita ng P10.09M, ang tanging Cabinet-ranked official na nakapasok sa Top 10.

Abante Hiring – IT dep

Ang basic salary ni Calida ay P1.82M lang, pero kumubra naman ito ng P7.98M ho­norarium. Nagkaroon din siya ng allowanc­e na P386,142.46, bonu­s na umabot sa P382,753.75, at mga discretionary and extraordinary miscellaneous expense­ na P336,000
Ang kinita ni Calida mula Hulyo hanggang Disyembre 2016 ay P2.4M lamang.

Mga opisyal din BSP ang umukupa sa iba pang puwesto na may pinakamalaking kinita, si BSP Deputy Governor Maria Almasara Amador ang nasa ikalimang pwesto na kumita ng P10.16M, Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr. na kumita ng P9.59M.

Pasok din sa Top 10 sina BSP Assistant Go­vernor Wilhelmina Mañalac (P9.28M), Senior Assistant Governor Ma. Ramona Gertrudes Santiago (P9.24M), Monetary Board members Felipe Medalla (P8.869M) at Juan de Zuñiga Jr. (P8.868M.)

Ang tinanggal na si SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay kumita ng P6.49M habang sina Government Service Insurance System Senior Vice-President Maria Obdulia Vitug-Palanca ay kumita ng P6.1M at si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Alexander Balutan ay P5.76M.