Abante Tonite Interactive

Calida pinatawag sa pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise

589

Pinadadalo si Solicitor General Jose Calida sa isasagawang pagdinig sa Senado kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Si Calida ang top lawyer ng gobyerno na naghain ng petisyon sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang prangkisa ng media network at siya ring humiling sa SC na mag-isyu ng gag order laban sa ABS-CBN.

Sabi ni Senadora Grace Poe, chair ng Senate public services committee, mahalaga ang pagdalo ni Calida kaugnay na rin sa quo warranto petition na inihain nito laban sa ABS-CBN Corporation.

Dagdag pa ni Poe, gusto niyang maging balanse ang gagawing mga pagdinig kaya nais niyang makuha ang opinyon ng bawat panig. (IS)