Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calida top 2 sa paldo sa gobyerno

0 467

Tanging si Solicitor General Jose C. Calida ang nasa listahan ng top 10 highest paid government officials na hindi sa bangko o government owned corporation nagtratrabaho.

Ayon sa 2019 Report on Salaries and Allowances ng Commission on Audit, P16.95 milyon ang kinita ni Calida nung 2019 at pumapangalawa lamang siya kay Higinio O. Macadaeg Jr. na presidente ng UCPB na nagbitiw nung July 2019 na tumiba ng P20.5 milyon.

Nung 2018 ay P12.5 milyon ang kita ni Calida sa pamahalaan at pang-anim siya sa listahan.

Pangatlo sa may pinakamalaking kita sa gobyerno ay si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Benjamin Diokno na P15.4 milyon ang take home pay nung 2019. Nung 2018, P3.4 milyon lamang ang kinita ni Diokno bilang secretary ng Department of Budget and Management. Si Diokno ang pumalit sa namayapang si dating BSP governor Nestor Espenilla nung Marso 2019.

Lima pang taga BSP ang nasa top 10 highest paid sa gobyerno: BSP deputy governors (#5) Maria Almasara Cyd Amador, (#6)Chuchi Fonacier, (#7)Dahlia Luna, (#8)Ma. Ramona Santiago at (#10)Elmore Capule. Nasa P14.6 milyon ang kinit ani Amador at Fonacier, P12.2 milyon naman ang kinita ni Luna at Santiago at P11.4 milyon naman ang kinita ni Capule.

Sumunod kay Diokno ay si UCPB executive vice president Eulogio Catabran III na nasa P15.1 milyon ang kinita nung 2019 at pang sampu naman si UCPB Edmond Bernardo sa may pinakamalaking kita sa P11.6 milyon.

Taon- taon, mga taga BSP ang nangunguna sa may mga pinakamalaking sweldo sa pamahalaan.

Malalaki din ang mga sweldo sa government banks tulad ng Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines at ang mga Supreme Court Justices. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.