Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calida una loyalty sa mga Marcos – Robredo

0 511

Binakbakan ni Vice President Leni Robredo si Solicitor General Jose Calida dahil sa pagsuporta umano nito sa electoral protest laban sa kanya ng talunang vice presidential candidate na si dating Senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr.

“Sana `yong personal loyalty niya sa mga Marcos hindi na niya dinadamay ang opisina niya kasi may implikasyon ito sa ating demokrasya,” sabi ni Robredo nang makapanayam sa radyo nitong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binigyang-diin pa ni Robredo na mismong Commission on Elections (Comelec) na ang nagsabing walang failure of election sa Mindanao subalit pinipilit pa rin umano ito ng kampo ni Marcos.

“Ang kawawa dito, una, `yong mga taong nagpapasuweldo sa kanya. Pangalawa, `yong mga taong napapaniwala nila sa kasinungalingan at marami `yon,” ani Robredo.

Dagdag pa nito, mas makabubuti pa kung pagtuunan na lamang ang mga kinakaharap na suliranin ng bansa katulad ng COVID-19 pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.