Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calisaan pinalipad ng Magnolia

0 45

Unti-unti nang nagaganap ang pinangangambahan hindi lamang ng mga manlalaro kundi pati na rin mga player agent-manager habang nalalapit ang 36th PBA Draft sa March 14.

Ito’y nang bitawan ng Magnolia Hotshots ang 2018 first round, 10th pick overall na si Michael Calisaan upang paluwagin at palakasin ang komposisyon para sa pagbubukas ng 46th PBA 2021 Philippine Cup sa April 9.

Isang 25-anyos na wingman mula sa San Sebastian Stags sa NCAA, binitiwan ang player ng Pambansang Manok nang ‘di na bigyan ng contract extension.

Ilang manlalaro na din ang mga nilagay pa sa free agency tulad ni Jesper Ayaay na galing Alaska Milk sa unrestricted free agent bago kinuha ng Barangay Ginebra. Si Ayaay ay No. 9 sa unahan ni Calisaan sa draft.

Bitbit ng Hotshots ang No. 6 pick sa first round, 18th sa second, at 30th sa third round. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.