Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Call agent lumaklak ng asido, dedo

0 298

Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng asido ang isang call center agent nang hindi umano nito matanggap na ililipat siya sa ibang sangay ng pinagtatrabahuhang call center sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-8:35 ng umaga (May 27) nang matagpuan ang bangkay ng 58-anyos na biktima sa ikalawang palapag ng tahanan.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Angel T Pascasio III, nakatanggap umano ng text message ang isang Vega mula sa biktima at humihingi ng tulong kaya pinuntahan niya ito sa bahay.

Pero pagdating niya sa bahay ay bumungad sa kanya ang biktima na nakahiga sa kama hawak ang tiyan at may lumalabas na dugo sa bibig kaya agad siyang humingi ng tulong sa barangay kagawad.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Bago namatay ang biktima ay inamin pa nito na nakainom siya ng muriatic acid. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.