Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Call center agent kalaboso sa rape

0 89

Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang call center agent na kabilang umano sa listahan ng station level most wanted person sa bisa ng arrest warrant para sa kasong rape sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Col. Alexy Sonido, commander ng Quezon City Police District-Station 6, ang suspek na si Dave Wiliam Alido, 23-anyos at residente ng Brgy. Batasan Hills.

Ayon sa ulat, naaresto ang suspek bandang alas-4:36 ng hapon noong Miyerkoles sa bisa ng arrest warrant sa kasong rape na inisyu ni Judge Rochelle Santos Manuel ng Quezon City Regional Trial Court Branch 97.

Walang piyansang inirekomeda sa call center agent. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.