Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Call Center agent, kasabwat tiklo sa P780K marijuana

0 91

Swak sa piitan ang call center agent at kasama nito nang makumpiskahan ng umaabot sa P787,500 halaga ng marijuana sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Galas Police Station (PS 11) na pinamumunuan ni PLt. Col. Elizabeth Jasmin sa Quezon City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Police Brig. Gen. Danilo P Macerin, ang naarestong sina Jericho Rivera, 24, call center agent, ng San Juan City, at Leo Bermudez, 25, ng Brgy. Sta. Lucia, QC.

SM food to go Banner Ad

Natimbrihan umano ang mga operatiba ng SDEU sa malakihang bentahan ng marijuana ng mga suspek kaya agad silang nakipag-transaksyon sa Diego Silang St., Brgy. Sta. Lucia, QC, alas-10:45 ng gabi (February 25) at naaresto ang mga suspek.
Nakumpiska sa kanila ang anim na kilograms ng marijuana na nagkakahalagang P780,000, 5 gramo ng high-grade marijuana “Kush” na nagkakahalagang P7,500 buy-bust money, weighing scale at cellphone.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.