Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Call center agent minolestiya ng titser

0 82

Himas-rehas ngayon ang isang teacher makaraang dalhin nito sa kanyang tinitirhan ang nakainumang call center agent at kanyang molestiyahin sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan nitong linggo ng madaling araw.

Sa report na isinumite kay P/Col. Charlie A. Cabradilla, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Glenn Solis, 27, teacher sa hindi tinukoy na eskuwelahan at taga-Norzagaray na nakakulong ngayon matapos ireklamo ng 19-anyos na call center agent at nakatira sa Barangay Encanto, Angat.

Naganap ang insidente noong nakaraang linggo, Mayo 22, pasado ala-1:00 ng madaling araw sa mismong tinitirhan ng suspek na si Solis matapos makipag-inuman ang biktima at suspek sa ilang mga kaibigan sa isang bar sa bayan ng Norzagaray.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kasarapan ng inuman ay kaagad nalasing at nahilo ang biktimang dalaga. Nagkunwaring nagmalasakit ang suspek at inaya ang biktima at nangakong ihahatid ito sa kanyang tinitirhan ngunit dinala niya ito sa kanyang tirahan.

Nang makapasok sa bahay ng suspek, doon na hinubaran ang biktima at sinimulang paghihipuan at halikan hanggang sa magtagumpay ang suspek na gahasain ang biktima na walang nagawa dahil nanaig ang lakas ng suspek.

Ipasasailalim naman sa genital examination ang dalaga habang inihahanda na ang kasong kriminal laban sa nakadetineng suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.