Abante Tonite Interactive

Call Center Agent naglaslas,nagbigti pa!

By
2,722

Sobrang bigat marahil ang problemang dinadala ng isang babaeng call center agent kung kaya’t minabuti pa nitong wakasan na lamang ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay sa loob ng kanilang bahay sa G. Tolentino St., Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni SPO2 Lester Evangelista ng Manila Police District-Homicide Section ang nasawi na si Maria Lourdes Alonzo.

Dakong alas-2:30 ng hapon nang makita ni Gette Alonzo, kasama sa bahay ng biktima, na nakabigti na sa built-in cabinet si Maria Lourdes at wala nang buhay.

Huling nakita umano ni Gette na buhay pa si Maria Lourdes dakong alas-tres hanggang alas-kuwatro ng madaling-araw na palakad-lakad sa loob ng kuwarto at banyo na parang balisa.

Pero hindi na umano nag-abala si Gette na tanungin ito kung ano ang problema.

Sa pag-iimbestiga ni SPO2 Evangelista sa mga labi ng nasawi ay nakitaan ito ng sugat sa kaliwang pulso kung kaya’t hinihinalang nag­laslas muna ito gamit ang isang blade bago tuluyang binigti ang kanyang sarili.

Tumanggi naman na pa-imbestigahan pa ni Mario Victor Alonzo, kapatid ng biktima, ang pagkamatay nito sa paniniwalang walang naganap na foul play sa insidente.

Pero dinala ang bangkay sa Archangel Funeral Parlor para sa awtopsiya.