Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Call center agent sumalisi ng P10K polo

0 79

Kulungan ang bagsak ng isang call center agent matapos mabuking sa pananalisi ng aabot sa P10,997.50 halaga ng mga mamahaling assorted na polo shirt at short sa loob ng isang mall sa Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Sinampahan ng kasong theft/shoplifting si Sharon De Lara, 40-anyos, dahil sa umano’y pananalisi sa loob ng isang mall sa lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nahuli ang suspek at nabawi ang mga tinangkang nakawin ang mga assorted na damit.

Kahina-hinala umano ang pamimili ng suspek na mula sa 3rd floor ay pumunta pa sa basement ng department store at doon ay paisa-isang isinisilid sa kanyang dalang ecobag ang mga damit at dahan-dahang lumabas ng mall.

Napansin ng nagbabantay na security guard ang siksik na dalang ecobag ng suspek at nang wala itong maipakitang resibo ay agad siyang dinampot. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.