Abante Tonite Interactive

‘Callamard walang K gumawa ng independent study sa Pinas’

By ,
9

Wala sa posisyon, ayon sa isang opisyal ng Malacañang, si United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary, or Arbitrary Executions Agnes Callamard na magsagawa ng “independent study” sa sinasabing serye ng patayang nangyayari sa bansa na may kaugnayan sa “war on drugs”.

Ayon kay Chief presidential legal counsel Sec. Salvador Panelo dahil sa lantarang pagbatikos ni Callamard sa “war on drugs” ng gobyernong Duterte sa dinaluhang forum sa Quezon City ay hindi katanggap-tanggap na maglunsad ito ng sinasabing independent study dahil may konklusyon na ito sa gagawin pa lang na pag-aaral na ang pinagbasehan ay mga news reports, videos, opinyon at mga sabi-sabi ng mga kritiko ng gobyerno.

“First, how did she know that that’s the way the drug operations are being conducted?

What’s the basis?” ayon kay Panelo.

“Not only that, you know, the fact alone that she already made conclusions, I don’t think she would be competent enough or objective enough to undertake any study. She already made a conclusion, on the basis of hearsay and reports and whatever,” sabi pa ng Chief Presidential Legal Counsel.

“She just cannot come here and read newspaper reports and hear the talks of some critics and watch some videos and make a conclusion that there is something wrong the way this government is doing its job,” dagdag ni Panelo .

Paranoid lang?

Paranoid lamang ang Malacañang sa pagdating sa bansa ni Callamard kaya kinukuwestiyon ang pagdating nito.

Ayon ito kay Senador Antonio Trillanes kaalinsunod sa pahayag ng Malacañang na kabastusan umano ang pagdating ni Callamard sa bansa dahil sa kawalan umano ng maayos na abiso.

Ngunit ayon sa senador, wala siyang nakitang kuwestiyonable sa pagbisita sa Pilipinas ni Callamard.

Sa halip, giit ng senador paranoid at takot lamang umano ang pamahalaan na malaman ang tunay na sitwasyon ng bansa.

‘Feeling guilty’

“This is the attitude of a guilty conscience.”

Ito naman ang tawag ni Senador Leila de Lima sa naging reaksiyon ng Malacañang sa pagdating sa bansa ni Callamard.

Sa kanyang handwritten note, sinabi ng senadora, sa ipinakita na reaksiyon ng Malacañang ay tila nahahalatang may tinatago ito gayong wala namang ibang masamang intensiyon si Callamard kundi ang tulungan ang bansa na ibahagi ang kanyang mga kaalaman.