Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caloocan awat muna sa Pfizer

0 203

Tinigil muna ang pagbabakuna ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa mga residente ng Caloocan City.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, inihinto pansamantala ang bakunahan mula sa una at ikalawang distrito ng lungsod matapos maubos ang kabuuang 7,020 doses ng Pfizer na ibinigay ng national government.

Napag-alaman na maraming taga-Caloocan ang nagpalista para mabakunahan ng Pfizer dahil ito ang brand na mas gusto ng mga residente na iturok sa kanila.

Mag-aabiso na lang daw ang lokal na pamahalaan sa oras na dumating na ang karagdagang doses ng Pfizer mula sa national government. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.