Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caloocan cong positibo sa COVID

0 48

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang kongresista na kumakatawan sa unang distrito ng Caloocan City.

Mismong si Caloocan Rep. Daleng `Along’ Malapitan ang nag-anununsiyo kahapon hinggil sa kanyang kondisyon.

“Ikinalulungkot ko pong ipabatid na ako ay positibo sa COVID-19 sa kabila ng aking mga pag-iingat na ginagawa at masusing pagsunod sa mga health at safety protocols,” pahayag ni Malapitan.

Gayunman, wala umanong dapat ipangamba ang mga nakadaupang-palad niya sa paghahain ng certificate of candidacy dahil negatibo pa umano siya sa coronavirus nang araw na naghain ng kandidatura.

“Nais ko rin pong linawin na nagpa-swab test ako at ang aking buong team at mga staff noong October 5, 2021 bilang paghahanda sa paghahain ng aking certificate of candidacy kinabukasan, October 6, at NEGATIBO po ang resulta naming lahat,” ayon pa sa mambabatas.

Tatakbo si Malapitan bilang alkalde sa Caloocan. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.