Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caloocan maglalaan ng face mask basurahan

0 235

Maglalagay ng centralized common trash bin ang 188 barangay sa Caloocan City, para tapunan ng mga ginamit na personal protective equipment (PPE) partikular ang face mask at face shield, ayon kay Mayor Oscar Malapitan.

Binabalangkas na ang mga alituntunin at sa mga ipapataw na parusa sa sinumang indibiduwal na susuway sa ipag-uutos. Layunin nito na hindi na kumalat pa ang virus dahil sa mga tinapong PPE, lalo pa’t may mga nangangalakal ng basura.

Ang mga tauhan lang ng solid waste ang maaaring kumuha ng mga basura na pinagtapunan ng mga nagamit ng PPE. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.