Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caloy abante sa vault finale

0 147

NABITIWAN ni Carlos Edriel Yulo ang pinakamataas na tsansang mapanalunan ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics matapos itong mahirapang magpaktia ng magandang routine sa floor exercise sa men’s artistic gymnastics qualification phase sa Ariyake Gymnasium kagabi.

Tanging konsolasyon ni Yulo ay nagawa nitong makapagkuwalipika sa vault final round matapos na tumapos na ikaanim na puwesto sa itinala nitong iskor na 14.712.

Ang 21-anyos na laking Maynila na gymnast ay maagang nagtala ng missteps sa kanyang early routine at hindi na nito nagawa pa ma-execute ang plano sa disiplina kung saan nagawa nitong masungkit ang gintong medalya sa pagsabak sa World Championships dalawang taon na ang nakalipas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumapos si Yulo na ika-44 puwesto sa kabuuang 64 kalahok na may 13.566 iskor na malayo sa kailangang Top 8 na magsasagupa sa finals.

Pumuwesto namang ika-63 ang Pinoy gymnast sa horizontal bar sa nakuhang 13.300 iskor. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.