Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caloy buburuhin sa Japan training

0 88

HINDI pa man nakakasabak sa nalalapit na 2020 Tokyo Games ay nakatakda nang ipagpatuloy ni Carlos Edriel “Caloy” Yulo ang kanyang pagsasanay para sa susunod na edisyon ng kada apat na taong Olympics na gaganapin naman sa Paris, France sa 2024.

Ito ang sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion matapos siguruhin ang patuloy na pagsasanay ng isa sa inaasam na makakapagbigay ng kauna-unang gintong medalya ng bansa na 21-anyos na si Yulo.

“Caloy can can still train in Japan in the next four years,” sabi ni Carrion matapos na makuha ang kasiguraduhan sa nakalipas na pakikipag-usap nito kay Federation Internationale de Gymnastique (FIG) president Morinari Watanabe.

SM food to go Banner Ad

Ang bihirang oportunidad ay iginawad kay Yulo dalawang linggo bago ito sumabak sa aksiyon sa Ariake Gymnastics Centre sa Japan para sa nalalapit na magsimula na 32nd Summer Olympic Games sa Hulyo 23.

Ipinaliwanag ni Carriion na hindi lamang ito magbibigay ng tsansa kay Yulo na makapaghanda para sa 2024 Paris Olympics kundi pagkakataon din na makasama nito ang ilan pang mga papaangat na gymnast na kinabibilangan mismo ng kapatid nitong si Eldrew at Issa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.