Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caloy kinana 3rd gold sa SEAG

0 43

Humablot agad si Tokyo Olympian Carlos Edriel “Caloy” Yulo ng isang ginto at isang pilak na medalya sa unang araw pa lamang ng Men’s Artistics Gymnastics (MAG) competition upang ibigay ang ikatlong gold ng Team Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Quan Ngua Sports Palace.

Nagtipon ang 22-anyos na si Yulo ng kabuuang 85.150 puntos matapos ang isinagawang qualifying rounds sa pitong apaaratus na parte na rin sa pagtuntong sa kampeonato para sa indibidwal na labanan at makamit ang una nitong gintong medalya sa edisyon ng kada dalawang taong torneo.

Binigo ni Yulo ang dalawang pambato ng Vietnam na sina Tung Le Thanh na nagtala ng 84.050 iskor at si Thanh Dinh Phuong na may 82.450 puntos na nagkasya sa pilak at medalyang tanso.

Ang natipong puntos ni Yulo ang sinandigan naman ng anim kataong koponan ng Pilipinas upang masungkit ang pilak sa Men’s Team event sa pagtipon ng pinagsama-samang 301.600 puntos.

Si Yulo ay may 85.150 kasunod si Jan Gwynn Timbang (71.800), Juancho Miguel Besana Eserio (71.750), John Ivan Cruz (37.850), Justine Ace De Leon (59.600) at John Matthew Vergara (42.450).

Nagwagi ang Vietnam para sa ginto sa natipon na 221.250 puntos at ikatlo ang Singapore sa 297.650 puntos.

Gaganapin naman ngayong araw ang finals ng individual apparatus kung saan kalahok pa rin si Yulo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.