Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calvin-Bamba bibida sa Walang Basagan ng Trip ng Tonite

0 38

Patatawanin , aaliwin tayo tuwing Friday, 8PM sa Abante Tonite Facebook Page ng comic tandem nina Calvin Crew at Boombastic Bamba.

Trip niyo bang kumanta? Trip niyo bang makipagtsikahan? Trip niyo bang humalakhak? O, trip mo lang mang-trip? Kahit ano pa yan, sasakyan namin ang trip niyo!

Dahil dito sa Abante Tonite…WALANG BASAGAN NG TRIP!

Makakasama rin nina Bamba at Calvin ang inyong lingkod na magbibigay ng showbiz update, blind item at throwback 90’s.

Special guest ngayong Biyernes, 8pm si Direk Raymond ‘RS’ Francisco, President ng Frontrow International, actor, producer, advertising director, Entrepreneur.

“Happy and nervous kasi bagong venture na naman itong papasukin namin ni Calvin tapos kasama pa namin kayo,” saad ni Bombastic Bamba nang tanungin namin kung ano ang feeling niya na may bago siyang online show sa Tonite.

“Sobrang kinakabahan na excited .Siyempre,very grateful and thankful kasi pinagkatiwalaan kami na maging ka-Abante,” dagdag naman ni Calvin Crew.

Ano pa ang aasahan sa Walang Basagan ng Trip?

“Pure fun at magdadala kami ng good vibes sa mga manonood,” ani Bamba.

“Asahan niyo ang walang humpay na chikahan, kantahan, kwentuhan at tawanan,” panigurado naman ni Calvin.

Umabot na rin ng limang taon ang friendship nila at maging mag-partner.

Related Posts

Sey ni Bamba: “Nagkasama lang kami sa isang raket tapos simula nun kami na nire-request ng mga clients na mag-show para sa mga events nila.”

“Nag-start friendship namin nu’ng Dec. 2015.Nagkasama kaming maging host sa Christmas party sa Molino, Cavite. Since then pumatok na ang tandem namin,” saad naman ni Clavin

Sino ba si Bamba bago napasok sa ‘Walang Basagan ng Trip”?

“ Nag-work po ako sa mga comedy bars since 1998 to 2015. Nag -OFW ng 2 years as a band vocalist sa Dubai UAE and now currently a business partner and Frontrow Gem . Kami rin ang official host sa lahat ng events ng Frontrow Local and International,”aniya.

Tumanggap siya ng parangal nu’ng 2017 as Global Achiever Awardee, 2018 Philippine Faces of Success, 2019 Gawad Musika Awardee, 2019 Asian Mlm Entrepreneur Awardee sa Kuala Lumpur Malaysia, 2019 Golden Eagle Awardee.

Si Calvin naman ay isang registered nurse galing probinsya .Lumayas at napadpad sa Kamaynilaan para makipagsapalaran at abutin ang mga pangarap bilang isang magaling na artist/performer.

“Nagsimula ako noon sa pinakamababaang antas kahit na ako’y isang registered nurse.Noon, naging boy/helper sa isang kumpanya. Na-promote naging seller/merchandiser, tapos naging game host/master hanggang sa naging co-host .Naging regular host na ako ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.

“Then nag-work din ako as a web marketing specialist sa Eastwood. Hanggang may naka-discover sa aking isang comedian host at kinuha ako sa comedy bar nu’ng Oct. 2015. Then, January 2017 naging part din ako ng isang banda sa Mabalacat Pampanga.

“Bandang June, bumalik ako ng Manila para mag-perform ulit sa mga comedy bar. August ng 2017, naging part ako ng Frontrow ,” sambit niya.

Si Bombastic Bamba ay napanood ss pelikulang ‘FuckBoiz’. Magkasama rin sila ni Calvin sa bagong aabangang BL serye na “Beki Problems” with Chad Kinis at Best Actor Gold Aceron.

So, tutukan kami mamayang gabi, 8PM sa Abante Tonite Facebook Page.

Leave A Reply

Your email address will not be published.