Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calvin ‘dadaan’ kay Mitra

0 330

SAKALI mang payagan nang pabalikin si Phoenix Fuel forward Calvin Abueva ng PBA sa mga official game ay kakailanganin muna niyang magpasa ng ‘clearance’ sa Games and Amusements Board (GAB).

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, bukod sa hinihinging ‘clearance’ ay gusto rin nilang makausap si ‘The Beast’ kasama pa ang dalawang board member.

“Me together with the two members of the Board would also like to talk to him. Gusto lang naming na makausap,” pahayag ni Mitra.

Tila nawala umano kasi ang pagiging professional ni Calvin matapos masangkot sa misbehaviour na ginawa nito noong nagkaaberya sila ng gf ni TNT guard Ray Parks at import Terrence Jones.

“Kung may kaunting problema sa attitude then that’s not being a professional,” aniya.

“Baka isipin ng mga bata kung nagagawa ng mga professional ‘yan, bakit kami hindi puwedeng gawin yun.”

Magugunitang nakumpleto na ng former San Sebastian cager ang kanyang requirements na hiniling ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Gayunman ay dadaan pa rin ito sa tama at iba pang proseso bago mabigyan ng ‘go-signal’. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.