Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calvin dumakdak sa Magnolia praktis

0 132

EXCITED na pinakita ni Calvin Abueva sa kanyang fans ang una niyang dakdak suot ang Magnolia Pambansang Manok jersey.

Sa practice lang ‘yun sa Batangas, pero natuwa ang The Beast.

Mukhang humingi pa siya ng kopya ng nai-record sa CCTV.

Sa eksena sa scrimmage, nagtapikan sa bola at napunta kay Abueva. Inatake niya ang basket mula sa gilid, umangat at pinakawalan ang one-handed jam.

Related Posts

“First dunk sa practice,” caption ni Abueva, may tatlong smiling emojis.

Natuwa ang teammate at kaibigan ni Calvin na si Ian Sangalang, pati si Meralco Bolts big man Raymond Almazan.

Bukod sa kanyang opensa, mas higit na hahanapan ni coach Chito Victolero ng depensa si Abueva.

Makulit ang ‘D’ ni Calvin, sa taas na 6-foot-3 ay hindi natatakot sumabay sa mga mas malalaki.

Napunta sa Hotshots si Abueva mula Phoenix kapalit ni Chris Banchero. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.