Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calvin, Ian may reunion

0 51

Swak na swak si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia.

Inaprubahan Miyerkoles ng PBA ang trade na nagdala sa The Beast sa Hotshots mula Phoenix Super LPG kapalit ni Chris Banchero. Nagpalitan din ng picks sa PBA Season 46 Draft ang magkabila.

Nakuha ng Phoenix ang No. 6 pick ng Magnolia, No. 10 selection na ang Hotshots na isinama rin sa package ang No. 18 pick nila.

Magkakaroon ng reunion sina Abueva at Ian Sangalang, kasama si Ronald Pascual na nakilalang Pinatubo Trio ng San Sebastian Stags na nanalasa sa NCAA noong nakalipas na dekada.

“Very excited ako kasi he can play multiple positions and ‘yung posisyon na kulang, 3, 4, big man na p’wede kong gawing small, ‘yun ang ma-a-add ni Calvin,” pahayag ni Hotshots coach Chito Victolero. “I think he can play the 2, 3, 4 positions.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.