Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calvin konting kembot pa bago makabalik

0 293

HINDI pa inaalis ng PBA ang indefinite suspension ni Calvin Abueva na ibinaba ni commissioner Willie Marcial noong Commissioner’s Cup ng nakaraang taon.

Ito rin marahil ang dahilan kaya hindi pa mabitawan ng Phoenix Super LPG ang automatic extension sa contract ni Abueva na mag-e-expire na sa Aug. 31.

Nagkasundo ang PBA Board na awtomatikong mabibigyan ng extension ang players na mapapaso na ang kontrata ngayong season.

Sinabi ni Fuel Masters coach Louie Alas na makukumpleto na ng forward ang PBA requirements para ma-reinstate sa PBA.

Kailangan na lang daw kumpletuhin ng The Beast ang ilang sessions pa sa PBA-assigned psychiatrist para matapos ang psychological evaluation.

“Kung hindi nga lang nagka-COVID, matagal na niyang natapos, eh,” lahad ni Alas. “Kung susumahin mo, lagpas-lagpas na siya du’n sa ibang requirements. Pero last but not the least ‘yung huli kaya kailangan talaga niyang tapusin.”

Sakaling matapos ang psychologicial requirements, sinabi naman ni Marcial na sasailalim pa si Abueva sa evaluation ng PBA. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.