Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calvo may pasabog sa NCAA

0 176

NCAA Season 96 ang tampok na talakayan sa Philippine Sportswriters Association online Forum ngayong Martes.

Hihimayin ni NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo ang nakalinya sa pagbubukas ng oldest collegiate league ng bansa sa June 13.

Sa gitna ng pandemic, virtual din muna ang sports events ng NCAA 96 tulad ng taekwondo, volleyball at basketball.

Bisita rin sa Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR sina Lester Castillo, Rob Layco, Veronica Cruz at DepEd Undersecretary Tonisito Umali para ibalita ang partnership ng MILO at Philippine Jump Rope Association. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.