Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calvo tinutulak NCAA sa May

0 217

Go signal na lang ng Commission on Higher Education (CHED) at Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF) ang hinihintay ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para itaas ang kurtina ng ika-96 na edisyon nang pinakamatagal na liga sa kolehiyo sa bansa sa unang linggo ng May.

Isiniwalat ito ni NCAA Management Committee (ManCom) Chairman Fr. Vic Calvo Jr. ng host Colegio de San Juan de Letran sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum Martes na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

“Possibly payagan dahil online naman,” sambit ng opisyal na aligaga rin sa pagtaas ng pandemic cases. “Pero merong mga restriction kasi ngayon e, yung IATF, and of course, CHED and other agencies.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.