Abante Tonite Interactive

Cam Norte gov kuwalipikadong tumakbo

309

Totoong impormasyon. Ito ang ipinahayag ni Atty. Francis Nieves Provincial Election Supervisor ng Comelec Camarines Norte sa mga nagpapakalat na diskuwalipikado at hindi na dapat iboto si Gov. Egay Tallado sa halalan sa Mayo 13.

Sa panayam ng media kay Atty. Francis Nieves, kinasuhan lamang si Gov. Tallado ng disqualification subalit ito ay mahabang proseso pa hanggang sa Comelec En Banc at Korte Suprema kung saan nasa balota ang pangalan ni Gov. Tallado. Kuwalipikado aniya ito at hindi masasayang ang boto ng mga botante ng Cam Norte.

Ayon naman sa kilala at tanyag na Election Lawyer ng bansa na si Atty. Jorge Garcia nakapaghain na sila ng motion for reconsidaration sa desisyon ng First Division ng Comelec kaya hindi pa aniya ito final at executory kung saan naniniwala itong posibleng katigan si Gov. Tallado ng Comelec En Banc dahil sa maraming kahalintulad ng kaso nito.

Nanawagan naman si Gov. Tallado sa kanyang mga katunggali sa politika na tigilan na ang panggigipit at nililito ang mga botante na siya ay diskuwalipikado. Mas maganda aniyang ilahad ang mga plataporma at hindi paninira ang ginagawa sa kanya ng kalaban lalo na ngayong nalalapit na ang halalan.