Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Camella Homes kaladkad sa reklamo ng Globe

0 413

Hiningan na umano ng paliwanag ng Philippine Competition Commission (PPC) ang property manager ng Camella Homes sa Cerritos Heights sa Cavite kung bakit hindi ito dapat parusahan sa pagharang sa Globe Telecom para kabitan ng internet connection ang mga nakatira sa nasabing subdibisyon.

Nabatid na ang Globalland ang property manager ng Camella Homes sa Cerritos Heights.

Ayon sa source ng Abante Tonite, inisyuhan ng PCC ng show cause order ang Globalland at binigyan hanggang sa susunod na linggo para sagutin ito.

Ang Camella Homes ay pag-aari ng mga Villar na siya ring may-ari ng Planet Cable/Streamtech na siyang tanging internet service provider (ISP) sa Cerritos Homes at ng iba pang mga Camella Homes development.

Maaari umanong maharap sa abuse of dominance case ang Camella Homes at ang Planet Cable/Streamtech.

Ayon naman sa kampo ng mga Villar, walang inisyung show cause order sa Camella Homes at ang Globalland lamang ang nakatanggap nito kaugnay ng nangyaring insidente sa Cerritos Heights.

Magsusumite umano ng paliwanag ang Globalland sa PCC sa loob ng panahon na itinakda ng ahensiya.

Nabatid na ISP at real estate developer din ang sangkot sa kauna-unahang abuse of dominance case ng PCC.

Sa tinuturing nitong landmark case tungkol sa abuse of dominance, pinagmulta ng PCC ang Urban Deca Homes Manila Condominium Corp. at ang 8990 Holdings Inc. ng P27.1 milyon dahil hinarang din umano ang pagpasok ng ibang ISP sa mga condominium at development nito para sa Itech Rar Solutions lamang kukuha ng serbisyo ang mga nakatira sa kanilang lugar. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.