Abante Tonite Interactive

Cameron Diaz naispatan sa El Nido!

403

Kumalat sa social media ang pagbisita sa bansa ng Hollywood star na si Cameron Diaz.

Sa Twitter post ni Charles Tiu na @charlestiu nitong Mayo 20 ay ganito ang kanyang i-pinost

Kung saan kasama ang picture ng isang hawig ng aktres.

‘Cameron Diaz in our Vanilla Beach El Nido Property!’

Nag-post din ang chef, restauranteur, at caterer na si Happy Ongpauco-Tiu ng photo sa kanyang Instagram account ng nasabi ring lara­wan na may ganitong caption. “Guess who came by to visit us at I Love Backyard BBQ Palawan ?????? @came­rondiaz?!? “

Si Happy na kapatid ng aktres na si Heart Evangelista ang nagmamay-ari ng I Love Backyard BBQ sa El Nido.

Pinagtalunan naman sa comment section ng nasabing post ni Happy ang larawan ni Came­ron.

Mismong ang news anchor na si Karen Davila ay nagsabing parang hindi si Cameron ang nasa larawan.

Maging si Heart ay sumawsaw sa usapan at nagsabing hindi ang Hollywood star na bida sa Charlies Angel ang bumisita sa El Nido.

Sinagot naman ni Happy si Karen ng ganito @iamkarendavila she said she is – but the guy parang not hahahha.