Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Camille Villar pa-raffle ng lupa’t bahay sa bakunado

0 349

Magpapa-raffle ng bahay at lupa si Las Piñas Rep. Camille Villar para sa mga residente ng siyudad na nakapagpabakuna na laban sa COVID-19.

“This is just to encourage the people of Las Piñas na magpabakuna kasi kailangang-kailangan talaga natin ‘to hindi lang para proteksyon sa ating sarili kundi pati na rin sa ating pamilya,” sabi ni Villar.

Sa Hulyo magsisimula ang raffle at ang premyo ay 10 pangkabuhayan showcase.

Sa Disyembre naman ang major raffle draw. Dalawang motorsiklo ang consolation prize at isang house and lot na nagkakahalaga ng P1.5 milyon ang grand prize.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw na Villar na walang pondo ng gobyerno na gugugulin sa pa-raffle.

“This is purely personally funded,” sabi ni Villar.

Marami pa rin ang duda sa pagpapabakuna kontra COVID-19 sa kabila ng panghihikayat ng mga opisyal ng gobyerno na ligtas iturok ang mga bakunang dumarating sa bansa. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.