Abante Tonite Interactive

Camp Aguinaldo, Camp Crame sentro ng Edsa Revolution

19

Ang Radio Veritas­ o DZRV ay malaki ang ­na­ging papel upang ­maging matagumpay­ ang Edsa Revo­lution d­ahil ito ang ginamit ni Jaime­ Cardinal Sin upang ­hikayatin ang publiko p­ara magtungo­ at magtipon­ sa Edsa para pabagsakin ang rehimeng Marcos.

***

Itinayo ang Edsa Shrine o Mary Queen of Peace Shrine bilang pasasalamat sa matagumpay at bloodless Edsa Revolution. Ito ay dinisenyo ng National artist na si Francisco Mañosca at natapos noong 1989 sa mga lupang donasyon nina Don Paco Ortigas at John Gokongwei.

***

Isa pang monumento ang itinayo bilang pag-alala sa Edsa revolution sa kanto ng EDSA at White Plains Avenue ay ang People Power Monument.

Dinisenyo ito ng batikang eskultor na si Eduardo Castrillo at natapos noong 1993, pitong taon matapos ang rebolusyon.

Related Posts

***

Dalawang Edsa Revolution anthem ang nilikha matapos ang matagumpay­ na rebolusyon. Isa rito ay pinamagatang ‘Handog ng Pilipino sa Mundo’ na nilikha ng kompositor at miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes.

Ang ikalawang awit ay may title na ‘Magkaisa­’ na nilikha ni Senator ­Vicente Sotto at inawit ni Virna Lisa Loberiza.

***

Dalawang lugar ang naging sentro ng Edsa revo­lution, isa rito ang Camp Aguinaldo kung saan inihayag ni Defense Minister Juan Ponce Enrile ang pagkalas niya sa rehimeng Marcos at ang Camp Crame kung saan nag-join force sila ni ­Enrile at ang noo’y kumalas na ring Philippine Cons­tabulary chief na si Fidel Ramos upang puwersahin si Marcos na ­bumaba sa kanyang puwesto bilang presidente­ ng bansa.

***

Ang “L” hand gesture na ginamit sa Edsa People Power Revolution noong 1986 ay ‘Laban’ ang ibig sabihin, hindi po ‘loser’ na laging ginagamit ni B­itoy sa Bubble Gang.