Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Camp Crame nasunog: 2 pulis tigok

0 96

Patay ang dalawang pulis habang dalawang iba pa ang sugatan sa naganap na sunog sa motorpool ng Logistics Support Service (LSS) sa Camp Crame kahapon ng madaling araw.

Ipinag-utos na ni Phillipine National Police chief General Debold Sinas ang imbestigasyon sa pagkasunog ng Transportation Maintenance Division facility ng LSS.

Kinilala ang nasawing sina P/Master Sgt Ormilon Amado, nakatalaga sa Headquarters Support Group at Police Staff Sgt. Nichol Jamosmos, sa Special Action Force.

Sugatan naman sina PSSG Jesus Apil at P/Lt Victorio Esyulde, na nakaratay ngayon sa PNP General Hospital.

Naganap ang sunog alas-2:30 ng madaling-araw matapos ang isang malakas na pagsabog kasunod ng pagkasunog sa likuran ng armored vehicle na nakaparada sa lugar.

Nabatid na nakuryente si Amado at nabagsakan din sa ulo ng steel banks habang si Jamosjos ay nakuryente din, sinubukan pa silang dalhin sa PNP general Hospital subalit nasawi rin.

Idineklarang fire out ang sunog dakong alas-3:06 ng madaling araw. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.