Abante Tonite Interactive

Camp Sawi isama sa bucket list

326

Dahil nga Love is in the air! Ang tanong paano naman ang mga single? Paano naman ang mga broken hearte­d? Saan kaya sila puwede pumunta? Oh huwag na magpaka-bitter mga Ka-Tonite! Siyempre hindi naman unfair ang ganda ng kalikasan para sa inyo.

Gusto ninyo bang huminga? Sumi­gaw? O ‘di kaya mag-move on? O ‘di kaya puwede rin ito para sa mga Ka Trip ninyong barkada. At puwedeng-puwede ninyo din itong ilista sa inyong bucket list ngayong tag-init. Totoo nga bang may Camp Sawi?

Hindi naman lingid sa karamihan ang Movie ng Camp Sawi noong taong 2016. Kung saan tampok ang iba’t ibang istorya ng mga kababaihang sawi sa pag-ibig.

At hindi din lingid sa atin ‘yong ganda ng kanilang lugar. Puting buhangin, napakalinaw na tubig kung saan parang may diyamante ang tubig kapag nasisinagan ng araw at masarap mag muni-muni dahil na rin sa hindi mai­ngay at matao ang lugar. Curious ka na ba kung saan ito? Matatagpuan ito sa Sta. Fe, Bantayan Island sa Cebu.

Ang Bantayan Island ay may tatlong bayan ito ay ang Banta­yan, Madredijos at Sta. Fe makikita sa northen part ng Cebu. At ang karamihan naman sa eksena ng Camp Sawi ay makikita sa Kota Beach na makikita sa ba­yan ng Sta. Fe.

Paano nga ba makakapunta dito? Kung ikaw ay manggaga­ling dito sa Manila, kakailanganin mong sumakay ng eroplano papunta sa Mactan International Airport, Cebu sakay ang CebuPac, PAL o ‘di kaya AirAsia. Para naman sa gustong makatipid at budgeted ang bakasyon pinapayo kong maaga kayong magpa-book sa mga nabanggit ko. Maari na rin kayong mag-check ng mga promo para mas makamenos kayo sa gastos.

Huwag din kayo mag-alala sa transpo kapag nakarating na kayo sa Bantayan Island dahil madaming trike at sikad-sikad na masasakyan sa labas ng port na dadalhin kayo sa resort na pupuntahan ninyo.

Hindi lang paglangoy ang maari ninyong gawin dito dahil sigurado akong mag-e-enjoy din kayo sa pag-iikot sa isla na nakasakay sa Habal-Habal kung tawagin ito dito o motorsiklo. At dadalhin na nila kayo sa mga destinasyong madalas puntahan din ng mga turista dito tulad ng oldest church ng Banta­yan na 500 daang taon na, Mangroove Park, Ogtong Cave, Kota Park at para naman sa mga fresh at puwedeng ipasalubong na masarap na Dang­git maari rin kayo mag-stop over sa Bantayan Market.

Ayan mga Ka Trip Mo, Trip Ko! Isang magandang lugar na naman ang ating napuntahan. Palage ninyo lamang tatandaan, malay ninyo ‘yong tinadhana para sa inyo ay nasa mga lugar na iyong pupuntahan.

Kung kayo ay nakapunta na ng Camp Sawi mag-comment lamang kayo ng inyong pics. Sa a­king official Twitter account.