Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Camping site ba ang hanap mo?

0 110

Tag-ulan na pero marami pa rin ang naghahabol sa pamamasyal sa mga beach resort dahil nabitin sa summer season. Sa mga gustong mamasyal pero ayaw namang lumayo, patok ngayon ang mga glamping site o private resort.

Exclusive ang pag-renta sa ganitong lugar kaya makatitiyak na hindi dagsa ang mga tao at kontrolado lang kung sino ang makapapasok sa loob.

Isa sa dinarayo ngayon ang Kawa Bath and Glam Camping Site na ito sa Amadeo, Cavite na pag-aari ng pamilya del Mundo. Ipinuwesto nila ito sa likod lang ng kanila mismong bahay sa Barangay Halang.

Ayon sa panganay ng pamilya na si Nelson del Mundo, napagdesisyunan nilang magtayo ng glamping site nitong kasagsagan ng pandemya kung saan maraming pamilya ang ayaw ring lumabas ng bahay dahil sa takot na mahawaan ng Covid-19.

Kuwento niya, “We decided to have this kind of business para sa ganun ay makakalabas ang family with their kids at ginawa naming private or exclusive ang place na ito for them.”

Ipinagmamalaki ng glamping site na ito ang Kawa Bath na kauna-unahan sa bayan ng Amadeo. Kaya talagang dinarayo ng mga parukyano. Mula pa raw sa iba’t ibang bayan sa Cavite, maging sa mga katabing probinsya galing ang kanilang mga kliyente.

Pami-pamilya, magbabarkada at magkaka-opisina ang karaniwan nilang customers. Ginagamit ding venue para sa iba’t ibang okasyon. Ang iba naman, dito raw nagti-team building.

Very relaxing ang lugar dahil maraming halaman at puno. Malamig din ang klima dahil napakalapit nito sa Tagaytay, mga 15 minutes away. Kaya naglaan din ng area sa camping site na puwedeng mag-bonfire.

Instagrammable ang lugar – kahit saang sulok ng glamping site ka pumuwesto, picture-ready. May ilan ding mapaglilibangan gaya ng swimming pool at dart.
Abot-kaya ang renta sa buong camping site. Wala pang P2,000 ang bayad para sa limang tao. Kapag sumobra sa lima, tig-P200 kada dagdag na tao. Hindi na masama. Puwede pang magluto para mas makatipid kayo ng pamilya at barkada.

Ang nakatutuwa, ayon kay Nelson – mula raw nang mag-operate sila, laging fully booked ang Kawa Bath and Glam Camping Site lalo na tuwing weekends.

Pagtitiyak naman ng nakababatang kapatid ni Nelson na si Ner del Mundo, regular nilang isinasailalim sa sanitation ang glamping site para maging kampante ang kanilang mga customer. May mga health and safety protocols din silang ipinatutupad para maiwasan ang hawaan ng virus.

Ang sa akin lang, kung privacy ang hanap mo para sa inyong pamilya o barkada, subukan na ang gaya nitong camping site. Nakatipid ka na, sigurado ka pa sa kaligtasan ng bawat isa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.