Abante Tonite Interactive

CamSur hari ng 3-on-3

By
12

Nag-take charge si Gawin Fernandez sa dulo para balikatin ang Camarines Sur tungo sa titulo ng 2017 Ginebra San Miguel 3-on-3 Basketball Tournament final sa Smart Araneta Coliseum nitong Linggo.

Sa harap ng mahigit 15,000 patrons na nag-abang sa Manila Clasico ng Ginebra at Star, kalmadong ibinaon ni Fernandez ang dalawang free throws 34 seconds na lang sa laro para ilagay sa unahan ang CamSur, 14-13, kontra La Union.

Nagkaroon pa ng tsansa ang La Union, pero kabyos ang 3 ni Jonathan Ablao at umalog din bago inilabas ng rim ang panabla sanang 3 din ni Firmorico Fernandez kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Tumapos si Fernandez ng six points, nag-ambag si Dan Michael Uy ng four markers, may three points si Raphael Jude de Vera at single point kay Danielle Martin Uy para sa CamSur.

Pinagdiinan ng Bicolanos na sila ang ‘Ganado Sa Buhay’ team sa lahat, nag-uwi ng P50,000 cash, trophy, at Ginebra pro­ducts.