Abante Tonite Interactive

Can you get gonorrhea w/out having sex?

0 775

Dear Dra Holmes:

Puwede po bang magtanong? Kasi nahihirapan na ako maghanap ng sagot sa tanong ko po. Sana maka-reply ka po sa tanong ko. 27 yrs old na po ako at madalas po akong nagjajakol. Nagsimula ako nu’ng 16yrs old ako madalas araw-araw ako nagjajakol hanggang na-addict na sa panonood ng porn at sabay jakol hanggang ngayon hindi ko mapi­gilang magjakol pero nu’ng nakikipagtalik na ako eh ‘di siya tumayo or tumigas talaga at sa pangalawang talik ko eh hindi pa rin tumigas. Ano po ba ang problema sa akin bakit po ganon? Tapos kung magjajakol po ako eh hindi na siya tumitigas tumatayo siya kaso malambot ‘di kagaya dati na ang tigas ‘pag nagjajakol ako. Bago lang po nangyari ‘to sa akin nu’ng 26yrs old ako. Ano po ba ‘to? SANTI

Dear Santi:

Maraming salamat sa sulat mo. Mayroon na akong iilang mga kliyenteng lalaki na komonsulta sa akin dahil sa problemang ito. Aaminin ko, hindi ako nakakasiguro na ang mga dahilan na hindi na tumitigas ang ari mo ay pareho sa mga dahilan nila. Kung gusto mo, sulatan mo ulit ako kung tila iba ang nangyayari sa iyo, ok, Santi? Pero kung halos pareho ang mga sitwasyon ninyo, inaasahan ko na makakatulong din ito, kagaya nang nakatulong sa ibang mga lalaki.

Ang pagma-masturbate nang madalas — kung ‘yan lang ang ginagawa mo — ay hindi sapat para hindi ka na tigasan. Ang ibig kong sabihin sa ‘kung ‘yan lang ang ginagawa mo’ ay walang porn at walang special na pag­hahawak (halimbawa, masyadong malakas ang hawak ng kamay mo sa ari mo na hindi kayang gawin ng ari ng babae). Kapag ganun, ok lang mag-masturbate nang madalas.

Pero iba na ang usapang kapag napasok ang panonood ng porn. TO BE CONTI­NUED NEXT WEEK.

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Panoorin siya sa Sex Talks with Dr ­Holmes sa streaming app HOOQ. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.