Abante Tonite Interactive

Canada magsasawa ng imbestigasyon sa Iran plane crash

290

Ito ay makaraang magkaroon ng mga haka-haka na posibleng ang pagbagsak ng eroplano ay dahil sa pinakawalang ‘missile attacks’ ng Iran sa US-led forces sa Iraq, na oras lamang ang na­ging pagitan.

Ayon kay Canadia­n Prime Minister Justin Trudeau, karapatan nila na magsagawa ng sa­riling imbestigasyon sa pagbagsak ng Ukrai­nian International Airlines Boeing 737-800, patungong Kiev, na magte-take off sa Tehran’s Imam Khomeini airport, dahil marami sa kanilang mga kababayan ang kabilang sa mga namatay, bagama’t pinutol na nila ang ‘diplomatic relations’ sa Iran noon pang 2012.

“I am confident that we are going to be able to be part of the investigation. Ca­nada is one of a handful of countries with a high degree of expertise when it comes to these sorts of accidents, and therefore we have much to contribute. I’m confident that in our engagement, both through our allies and directly, we’re going to make sure that we are a substantive contributor to this investigation,” paliwanag ni Trudeau.

Nabatid na sa ilalim ng international rules, sa isang bansa kung saan naganap ang pagbagsak ng eroplano ay kailangang sila ang magsasagawa ng imbestigasyon kung ano ang naging sanhi o dahilan ng aksidente.

Ang Transportation Safety Board ng Cana­da ay pinagmo-monitor lamang sa progreso ng Iranian investigation, at ipinare-review lamang ang mga impormasyon na ibibigay sa kanila, at saka mag-aalok ng technical assistance.

“Canada will be part of that investigation not only because we have the expertise, but because we have suffered such a significant loss of lives (of) our citi­zens,” giit ni Trudeau.

Samantala, sa inis­yal na report ng civil aviation organization ng Iran, sinabi umano ng mga nakasaksi na nasa ibaba ng paliparan, nakita nilang lumipad ng mataas ang aircraft habang nagliliyab. (Dolly Cabreza)