Abante Tonite Interactive

Canadian nadiskubreng bangkay

83

Isang malamig na bangkay ng madiskubre ang senior citizen na Canadian national habang nakahandusay sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang nasawi na si Martin Trevor y Rate, 66, may-asawa, at pansamantalang naninirahan sa U316 Stelllar Place Condo-647 Visayas Ave­nue, Brgy. Bahay Toro.

Alas-otso ng umaga ng makita ni Benigno Tatunay, kapitbahay ni Trevor, na nakahiga sa lapag ng inuupahan bahay ang biktima.

Wala naman nakitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng dayuhan.