Abante Tonite Interactive

Cancer number 1 killer ng kababaihan

By
0 212

Ang sakit na cancer (Neoplasm), ang itinutu­ring na no. 1 killer­ ng kababaihan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Department of Health (DOH) na inilabas noong Pebrero 18, lumabas na ang nangu­ngunang sanhi ng pagkamatay ng kababaihan sa Pili­pinas ay neoplasm K cancer na sinundan ng chemical heart diseases at pneumonia.

Sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto, nalaman na 3 sa 100 babae ang may tsansa na makapag-develop ng breast cancer.

Noong Pebrero, 2017, nagpalabas ng datos ang Philippine Obstetrical and Gynecological Society, ang Pili­pinas umano ang may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa may 197 bansa.

Wala naman umanong direktang findings kung ano ang sanhi ng breast cancer. Isa pa lamang ang matutukoy na sanhi ng breast cancer, ito ay ang pagkasira ng cell DNA.

Upang maiwasan ang panganib ng pagkakaroon ng breast cancer dapat na bawasan ang pag-inom ng alak, paninigarilyo, mag-ehersisyo, Mag-breast feed, bawasan ang hormone therapy, at iwasan malantad sa radiation at polusyon.
Ang maagang deteksiyon ng sakit ang susi para mapanatiling malusog at buhay.

Kinakailangan rin umano ang Mammography, X-ray examination ng dibdib para malaman ng mas maaga.

Ang Ischemic heart diseases kilala bilang coronary heart failure, para maiwasan ang pagbara ng coronary arteries, kinakaila­ngan ng healthy lifestyle, kumain ng balance meal, iwasan ang sigarilyo at panatiihin mababa ang timbang.
Ang problema sa diabetes, high blood pressure at high cholesterol­ ay makakaambag para ma-develop ang Ischemic heart disease.

Ang pneumonia, ay kalimitan dumadapo sa kababaihan may mahinang immune system.

Ito ay infection sa baga dahil sa pananatili ng plema. Ang ma­tinding stress at maa­ring magdulot ng anxie­ty na isa rin dahilan ng pneumonia.

Mabuti rin na magpabakuna kontra pneumonia kada limang taon.

Ugaliin rin ang safe sex dapat na bigyan prayoridad para hindi mahawa ng anumang sakit tulad ng HIV-Aids na sanhi ng paghina ng immune system. ­