Abante Tonite Interactive

Cancer Survivor nakaginto

465

Munting pangarap ni Danie­la Reggie ‘Dadai’ dela Pisa ng Cebu City ang makasabak sa internasyonal na kompetisyon sa sports.

Kaya naman pinilit nang ovarian cancer survivor na makasali sa mga paligsahan, mula sa Batang Pinoy ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) at Palarong Pambansa ng Department of Education (DepEd), Philippine National Games ng PSC din at iba pa.

“Dream come true po,” bulalas ng 16-anyos na nagkakanser nang apat na taon pa lang, habang hawak ang makasaysayang unang medalyang ginto ng Pilipinas sa women’s rhythmic gymnastics na napanalunan sa hoops event ng 30th Southeast Asian Games 2019 Sabado sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.

Nakaiskor siya ng 17.750 points para madaig sina Izzah Amzan (16.500) at Amy Dict Weg Kwan (15.900) ng kapwa Malaysia na mga nakasakote ng silver at bronze medals ayon sa pagkakasunod.

Una munang naka-bronze medal si Dela Pisa sa clubs at ball bago ang sa hoops sa 11-bansa, 12-araw na kada dalawang taong palaro.

“Masayang-masaya po ako at maipapakita ko sa mga magulang ko ang medalya kong ginto. Para po sa kanila ito,” sabi ni Dela Pisa, na pinag-report lang sa training ng national team nitong Enero. (Lito Oredo)