Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Candy na may droga buking sa 2 rider

0 62

Arestado ang dalawang lalaking riding-in-tandem matapos mabuko na may dala silang gummy candy na may siksik na tuyong dahon ng marijuana nang tangkain nilang umiwas sa isang checkpoint sa Makati City.

Kinilala ni Captain Judge Rowe Donato, commander ng Makati Police Substation 6, ang mga suspek na sina John Michael Patiño, 27, at Richard James Lorenzo, 36, pawang residente ng Biñan, Laguna.

Ipinatutupad ng mga pulis ang curfew sa lungsod nang matanaw nila ang mga suspek lulan ng walang plakang motorsiklo sa kahabaan ng Metropolitan Avenue sa Brgy. Bel-air, Makati bandang alas-11:00 Huwebes ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinahinto ng mga pulis ang dalawa pero sa halip na sumunod ay sumibad ang mga ito kung kaya’t hinabol sila ng mga awtoridad.

Nang kapkapan sa istasyon ng pulisya, nakuha sa bulsa ni Patino ang 500 piraso ng grummy candy na may nakasiksik na dahon ng marijuana at resealable plastic sachet na may lamang marijuana sa bulsa naman ni Lorenzo.

Ipinagtapat naman ng dalawa na galing ito sa Biñan at ide-deliver sana sa lungsod. Binayaran umano sila ng P1,000 para dalhin ang mga iligal na dahon sa Metro Manila.

Gayunman, bigo ang mga suspek na mapaniwala ang pulisya. Maaari umanong kasabwat ng mga ito ang nahuli kamakailan ng mga Philiippine Drug Enforcement Agency sa Biñan, Laguna. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.