Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cansino pumiyok vs ‘Sorsogon bubble’

0 185

Ibinunyag ni former University Santo Tomas Growling Tigers team captain Crispin John ‘CJ’ Cansino ang mga bangungot nilang player sa naging ‘bubble training’ sa Sorsogon nitong Hunyo-Agosto.

Isiniwalat niya sa Twitter nitong Miyerkoles ang ilang screenshot sa conversation ng kanilang group chat kasama ang mga magulang ng student-athlete.

Pinaalalahanan ng incoming third year ang mga magulang, “Please wala po munang kakausap kay coach Aldin Ayo. Kami na po gawa ng first move,” anang lumipat noong isang linggo sa University of the Philippines Fighting Maroons na basketbolista.

Hinirit ni Cansino na puro baboy ang kanilang mga kinakain na dahilan sa pagkakasakit nina Brent Paraiso, John Bismarck Lina at Ira Bataller, habang kakulangan sa preperasyon sa bubble ang mga himutok nina Chabi Yo, Rhenz Abando at Paul Manalang. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.