Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cansino sinupalpal nina Nonoy, Cuajao

0 101

ILANG pahayag ni former UST Growling Tigers former team captain CJ Cansino ang kinontra nina Mark Nonoy at Deo Cuajao.

“Sa amin pong taga-probinsya wala naman po kaming reklamo. ‘Yung mga nauna doon may nagreklamo. Hindi namin alam kung anong nangyari kasi late po kaming dumating,” ayon kay Cuajao sa panayam sa ‘Power & Play’ ni dating PBA commissioner Noli Eala kaugnay sa kontrobersiyal na bubble training nila sa Sorsogon.

Ayon kay Cuajao, Marso pa lang ay ipinaalam na sa kanila na magkakaroon sila ng ensayo, na aniya’y dapat gagawin sa kanilang unibersidad ngunit pinagbawal dahil sa lockdown.

Matatandaan sinabi ni Cansino ang umano’y problema sa pagkain tulad ng mga mamantikang ulam nang maglabas ito ng screenshot ng mga reklamo ng kapwa niya manlalaro.

Kinontra naman ni Nonoy ang mga paratang ni Cansino na hindi sila pinapayagan makauwi sa kanilang mga pamilya.

“Wala namang sinabi si coach na kapag umuwi ka, wala ka na sa team,” lahad ni Nonoy.

Nagbitiw bilang head coach si Ayo at sinuspende sa UAAP dahil sa insidente, habang lumipat sina Cuajao at Nonoy sa La Salle Green Archers. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.