Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Canteen, yosi area bawal na sa MECQ

0 303

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinagbabawal na ang mga dine-in canteen at common smoking area sa mga opisina o lugar ng trabaho sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Gayunman, papayagan naman ang mga empleyado na magdala ng sarili nilang baong pagkain o mga food delivery. Kailangan ding sundin ng mga pribadong industriya ang: pagkakaroon ng shuttle service, pagsusuot ng face mask/shield sa loob ng silid na may higit isang tao at habang nasa meeting, pagkakaroon ng health protocol officers at occupational safety and health protocol committee para masiguro na masusunod ang mga ito. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.