Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Canteen, yosi area ng opisina delikado sa COVID

0 282

Nagbabala si COVID-19 national policy chief implementer Carlito Galvez, Jr. sa mga lugar sa trabaho o mga economic hub na maaaring pamugaran ng virus tulad ng canteen at mga smoking area.

“In terms of observing minimum health standards…ang mga canteen, yong mayroon silang smoking areas, that became the source of contamination,” sabi ni Galvez.

Sa mga lugar umanong ito kasi madalas na hindi nasusunod ang health standard. Dagdag niya, delikado rin na mahawa sa public transportation at mga mahihirap na komunidad lalo kung hindi nasusunod ang physical distancing. Batay sa datos, hindi na lang indibidwal ang nagkakahawaan kundi pamilya na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.