Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Canvassing ng Kongreso kasado sa Mayo 24

0 41

Binuksan na ng Senado at Kamara ang Consolidation and Canvassing System (CCS) na siyang tatanggap ng boto para sa eleksiyon ng pangulo at bise presidente.

Ginanap ito pasado alas-singko ng hapon sa Executive-Legislative lounge sa main building ng Kamara.

Nabatid na magbubukas ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 13 at ihahalal ang mga miyembro na magsasagawa ng canvassing.

Magsisimula umano ang canvassing sa Mayo 24.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, dahil computerized ang canvassing ay wala nang gagamiting whiteboard at manual tally.

Sa tanong kung gaano katagal ang canvassing, sinabi ni Velasco na aabutin ito ng limang araw.

Nakasaad sa Saligang Batas na Kongreso ang magiging National Board of Canvassers para sa boto ng mga kandidato sa presidential at vice presidential elections. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.