Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caperal, Gin Kings nilango ang Elite

0 85

STANDINGS
TEAMS W L
TNT 2 0
Phoenix 2 0
Barangay Ginebra 1 0
Blackwater 1 0
Rain or Shine 1 0
San Miguel Beer 1 1
Magnolia 1 1
Meralco 1 1
TerraFirma 0 1
NorthPort 0 2
NLEX 0 2
Alaska Milk 0 2

Mga laro ngayon:

(AUF Sports Arena & Cultural Center)
4:00 pm. – TerraFirma vs Rain or Shine
7:00 pm. – San Miguel Beer vs TNT

Limang miyembro ng Barangay Ginebra San Miguel ang nagsitagay ng double figures upang sumalo sa liderato makaraang ligwakinang Blackwater, 102-96, sa tampok na laro sa ikalimang araw ng 45th PBA 2020 Philippine Cup elims bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga Huwebes ng gabi.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sinandigan ng Gins si six-year pro veteran Prince Caperal na nag-best player of the game sa nilaklak na 24, 6 rebounds at 3 assists sa 29:44 job kontra sa 3 turnovers para sa second straight wins ng Gin Kings na hinanayan sa tuktok ang Phoenix Super LPG at TNT.

Ang bail-out bunk shot ni Earl Scottie Thompson sa natitirang 53 segundo ang sumigurado sa panalo ng BGSM matapos magdikit ang laban sa 96-92 kahit nakabentahe ang crowd darling sng 14 pts. sa early third stanza at lumamalang pa ng apat ng Elite na nalaglag sa 1-1.

Unang naglaho ang itinalang 14 puntos na abante ng Gin Kings sa 51-37 mula sa lay up ni Stanley Pringle bago na lang nakabalikwas ang 2020 Governor’s Cup champion para panatiliiing malinis ang kartada.

Sumukli kay Caperal si Pringle ng 17 markers, 7 boards at 5 feeds. Nagtala si Thompson ng 14 pts., 7 rebs. At 7 asts. habang si Jeff Chan ay may 12 puntos, at Japeth Aguilar ay may 11.

Nalasap naman ng Elite ang unang kabiguan matapos na magwagi sa kanilang unang laban kung saan namuno sa opensiba si Don Trollano na mayroong 23 pts. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.