Abante Tonite Interactive

Capiz inuulan ng mga donasyon

1,042

Nagpasya na rin ang gobernador sa lalawigan ng Capiz na i-donate ang kanyang isang buwang sweldo para sa mga medical frontliner sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Bukod sa donasyong sweldo ni Governor Esteban Evan `Nonoy’ Contreras sa mga frontliner na nag-aalaga sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ipinagkaloob na rin ni Roxas City Mayor Ronnie Dadivas ang kanyang sweldo para ibili ng mga bigas na ipamimigay sa kanilang mga kababayan na apektado ng enhanced community quarantine sa lungsod.

Samantala, isang grupo naman ng mga Indian national ang nag-donate ng 100 sako ng bigas sa pamahalaang lokal ng Capiz.

Ipamimigay ang mga bigas sa mga residente sa Roxas City, Ivisan, Panitan, President Roxas, Pilar, Pontevedra, at Panay.

Nabatid na may tatlo nang positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Capiz at isa rito ang pumanaw na habang isa pa ang gumaling.

Inihayag naman ni Contreras na kanyang pinag-iisipan pa kung palalawigin ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa kanilang lalawigan ng hanggang Abril 30. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad