Abante Tonite Interactive

Car Seat Law sa mga bata pirmado na ni Duterte

0 173

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act 112229 na nagbibigay proteksiyon sa mga bata sa pamamagitan ng paggamit ng child restraint system para sa mga batang may edad 12 pababa habang nasa loob ng sasakyan.

Ang child restraint system ang magtitiyak na makakaupo nang maayos ang bata sa loob ng sasakyan at mababawasan ang anumang injury sakaling mabangga ang sasakyan.

Nakapaloob sa bagong batas na bawal iwanang mag-isa ang bata sa loob ng sasakyan at itabi ito sa tabi ng driver, maliban na lamang kung may tangkad na 56 inches at kasya na sa regular na seatbelt.

Ang lalabag sa batas ay mapapatawan ng 1,000 pesos na fine sa unang offense, 2,000 sa ikalaang offense at 5,000 sa ikatlong offense at suspension ng driver’s license sa loob ng isang taon. (Aileen Taliping)